Mayor Sara Duterte nanumpa muli bilang Chairman ng regional party na Hugpong Ng Pagbabago (HNP).
“Muli po akong nanumpa bilang Chairman ng Hugpong ng Pagbabago, ang aking regional party (I took my oath again as Chairman of my regional party, Hugpong ng Pagbabago),” ayon kay Duterte.
Sinabi ni Duterte na ang oathtaking ay pinangunahan ni Davao Occidental Gov. Claude Bautista.
Base kay Duterte ang partido ay nagsagawa rin ng affirmation of oath ng mga gobernador sa rehiyon na miyembro ng HNP. “Masaya po ako na makabalik sa aking mahal na HNP habang kasalukuyang Chairman din ng Lakas CMD (I am happy to be back to my beloved HNP while I serve as the concurrent chairman of Lakas-CMD),” ika niya. (By: Frances Pio)
