Share:

Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Lunes na ang desisyon na ipatupad ang academic break sa gitna ng mas mahigpit na mga quarantine protocol ay dapat magmula sa tanggapan ng Basic Education at mga Higher Education institutions.

Sa isang pahayag, sinabi ni Gatchalian na namumuno sa Senate basic education committee, maiiwan lamang ang mga mahihirap at vulnerable learners dahil sa mga karagdagang kaguluhan sa klase na dulot ng nationwide academic break.

Idinagdag pa niya na ang matagal na pagsasara sa paaralan ay magreresulta lamang sa pagkawala ng pagkatuto, malawakang hindi pagkakapantay-pantay, at pagtaas ng exposure violence, at iba pa.

“I don’t agree with the call to implement a nationwide academic break. Iba-iba naman ang quarantine qualification at may mga lugar na walang lockdown. Mahirap naman pong mag-academic freeze sa isang lugar na walang kaso ng COVID-19. Kaya hindi pwede itong academic freeze para sa pangkalahatan dahil iba-iba ang sitwasyon,” sinabi Gatchalian.

“Sa basic education, isang taon nang hindi nagpupunta sa mga eskwelahan ang mga bata at kapag sila ay patuloy na bibigyan ng break at hindi sila mag-aaral, talagang makakalimutan na nila ang kanilang pinag-aralan,” dagdag niya.

Pinunto ni Gatchalian na sa Isabela, kung saan nakataas General Community Quarantine, sinuspinde ng Department of Education ang pamamahagi at pagkuha ng mga self-learning modules at iba pang mga face-to-face activities kasunod ng pagkamatay ng limang tauhan ng DepEd dahil sa COVID 19.

Gayunman, sinabi niya na ang mga guro sa nasabing dibisyon ay inaasahang na ipagpapatuloy ang kanilang mga follow-up at pagsubaybay sa mga mag-aaral.

Samantala, ang ilang mga kolehiyo at unibersidad sa NCR Plus bubble ay pansamantalang nagsuspinde ng klase sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19, kabilang ang University of Santo Tomas, Pamantasang Lungsod ng Maynila, Cavite State University at De La Salle University.

Leave a Reply