Para sa kaalaman ng mga gustong maglabas ang palasyo ng medical bulletin ni Duterte, inanunsyo ng Presidential Spokesperson na si Harry Roque na wala umanong sakit ang Presidente.
Aniya pa ni Roque maglalabas lamang ang palasyo ng medical bulletin kung may sakit ang Presidente.
Nang tanungin si Roque kung bakit siya ang naganunsyo ng quarantine status sa NCR plus bubble at hindi ang presidente, aniya siya naman daw ang palaging nagaanunsyo nito sa publiko pwera nalang kung ito ay simula ng buwan na kailangan din maganunsyo ang presidente sa madla.
Nang dahil sa mga spekulasyon na ito tungkol sa pangulo naging trending ang hashtag #NasaanAngPangulo.
Madami na ang nagtatanong sa mga hindi paglabas ni Duterte na marahil sanhi daw ng pagbagsak ng kalusugan nito.
Kasabay ng mga usap-usapang ito, naglabas si Senador Bong Go ng litrato ng pangulo habang naglalaro ng golf at nakasakay sa motorsiklo.
