Binalaan ni Senator Panfilo Lacson ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nanganganib ang kanilang 2022 budget dahil sa mga tirada ni spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.
Ayon kay Lacson resposibilidad ng Armed Forces of the Philippines na magkaroon ng balanseng pananaw sa politiko at sa publiko. At sa halip na magkumento tulad ng nangyare sa dalawang female celebrities ng bansa na sina Liza Soberano at Angel Locsinay dapat nalang ibigay ni Parlade ang atensyon sa pakikipaglaban sa terorismo.
Dagdag pa sa mga naganap na pagsasalita nang di naayon sa mga artista, hindi din maganda ang mga sinabi ni Parlade sa nagsagawa ng community pantry na si Ana Patricia Non at pagtawag na “tanga” sa mga senador.
Ani ni Senator Lacson hindi daw umano pinapansin ng NTF-ELCAC ang kanyang mga rekomendasyon. Nararapat nalang magbitaw sa pwesto si Parlade.