Share:

Negatibo sa COVID-19 si Detained Senator Leila De Lima ngunit kinakailangan niyang sumailalim sa medical treatment matapos makaranas ng mild stroke.

“Lumabas na yung swab result, Sen. Leila is negative” ayon sa kanyang chief of staff na si Atty. Fhilip Sawali.

Dinala sa Manila Doctors Hospital si De Lima noong Sabado upang mabigyan ng treatment matapos magkasakit.

Nag sumite ng “very urgent motion” si De Lima upang magkaroon ng medical treatment at maconfine na pinayagan naman ng Muntinlupa Regional Trial Court.

Ayon naman sa kanyang opisina ay nakaranas ng ‘Transient Ischemic Attack’ ang Senator. Nakaranas ng pananakit ng ulo at pagkahina si De Lima simula noong April 20.

Dagdag pa ng kaniyang opisina, kinakailangan sumailalim sa Brain Magnetic Resonance Imaging sa Manila Doctors Hospital ang senador.

Leave a Reply