Share:

By Frances Pio

––

Simula Agosto 8, ang mga bisita sa gusali ng Senado sa Pasay City ay dapat magpakita ng negative COVID-19 test result.

Matapos magpositibo sa coronavirus si Senador Alan Peter Cayetano, ipapatupad ng Senado ang karagdagang requirement na ito para makapasok.

“Senate President Juan Miguel Zubiri has given instructions. Starting Monday, all guests/visitors must present negative antigen test taken within 24 hours prior,” sinabi ni Senate Secretary Rey Bantug.

Bago pumasok sa gusali ng Senado, kailangan ding ipakita ng mga bisita ang kanilang COVID-19 vaccination card.

Iminungkahi din ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na limitahan ang mga bisita sa mga may mahahalagang bagay na dadalhin sa mga senador.

“We just have to live with COVID. But Senate should limit the visitors to those who have important matters to bring to the senators,” ayon kay Sen. Pimentel.

Lumalabas sa pinakahuling datos ng Department of Health na mayroon na ngayong 31,992 active COVID-19 cases sa bansa.

Leave a Reply