By Frances Pio
––
Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkumpleto ng mga pangunahing bahagi ng Samar Pacific Coastal Road Project, na bahagi ng Build, Build, Build program ng Duterte administration sa Eastern Visayas.
Noong Lunes, Hunyo 27, binuksan sa mga motorista ang 161 metrong Simora Bridge sa Lalawigan ng Northern Samar.
Ang Simora Bridge at ang walong kilometrong sementadong two-lane na kalsada, na parehong matatagpuan sa Bayan ng Laoang, ay bahagi ng Samar Pacific Coastal Road Project, na nagsimula noong 2018. Nilalayon nitong pag-ugnayin ang mga Pacific towns ng Laoang, Palapag, at Catubig.
Sinabi ng DPWH, sa isang pahayag, na ang natitira sa P1.126 bilyon na halaga ng proyekto ay ang patuloy na konstruksyon ng 31-meter Janggut Bridge 1 at ang 69-meter Jangtud Bridge 2, na ngayon ay nasa 66% at 40% ng kumpleto. Ang Parehong tulay ay matatagpuan sa Bayan ng Palapag.
“After four years of challenging construction, the partial opening of the Samar Pacific Coastal Road is a huge step to the realization of a vision to provide comfortable and improved interconnectivity that will support sustainable agricultural development, contribute to food self-sufficiency and sustain peace and development efforts in Northern Samar,” sinabi ni Undersecretary Emil Sadain, chief implementer ng Build Build Build program, sa isang pahayag.
Sinabi ni Sadain na naantala ang 11.60-km Samar Pacific Coastal Road Project dahil sa masamang panahon at pandemya.
Ang proyekto ay isinasagawa ng Ilsung Construction Co., Ltd ng South Korea na pinondohan ng gobyerno.
Sinabi ng DPWH na 80 porsiyento ng 1,411 kabahayan na naninirahan sa siyam na barangay na matatagpuan sa kahabaan ng proyekto ay maaaring makinabang sa pagbubukas nito. Ang mga pamilyang naninirahan sa tabi ng proyektong ito ay umaasa sa pagtatanim ng niyog at pagsasaka ng palay.