By Frances Pio
––
Tinupok ng apoy ang isang bodega sa loob ng isang copra processing plant sa Barangay Baliwasan sa Lungsod ng Zamboanga.
Nagsimula ang sunog dakong alas-11 ng gabi ng Martes, Hunyo 28, at nagngangalit ang apoy nang higit sa 24 na oras.
Sinabi ni Fire Chief Insp. Lucio Albarracin, City Fire Marshal, nagsimula ang sunog sa isa sa mga kagamitan sa loob ng compound.
Kumalat ang apoy sa buong stockpile ng 300 metric tons ng copra at naging mahirap kontrolin dahil sa nasusunog na mga oil products.
Sumugod si City Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar sa lugar Martes ng gabi upang bantayan ang sitwasyon.
Ang isang plano traffic rerouting plan ang ipinatupad upang bigyang-daan ang walang patid na paggalaw ng mga bumbero at kanilang mga kagamitan at sasakyan.
Sa ngayon ay walang pang naiulat na nasawi.