By Christian Dee

MAYNILA – Nag-anunsyo ang ilang mga kompanya ng langis na magkakaroon ng pagtaas ng presyo sa kanilang mga produkto.

Simula bukas, Enero 17, madaragdagan ang presyo ng gasolina at diesel, habang ang kerosene naman ay may rollback, ayon sa naturang kompanya.

Magtataas ng P0.95 kada litro ang gasolina sa Cleanfuel, habang ang diesel nito naman ay P0.50 naman ang itataas.

Sa Pilipinas Shell, tataas ngP0.95 kada litro ang produktong gasolina, ang presyo naman ng diesel ay magtataas din ng P0.50 kada litro, habang ang rollback naman sa halaga ng kerosene ay P0.15 kada litro.

P0.95 din ang itataas sa presyo ng gasolina mula sa Seaoil, ang diesel ay may taas-presyo ring P0.50, at ang kerosene naman ay bababa ng P0.15 kada litro.

Leave a Reply