By: Jen Lopez

Pagkatapos ng 30 taon magkakaroon na ng panibagong mukha ang kinasanayang 1,000 peso bill ng mga tao. Ang tatlong kilalang parte ng historya ng Pilipinas ay mapapalitan na ng Philippine eagle. At dahil dito, naging usap-usapan ito at dinumog ng maraming katanungan.

Sa press release ng Bangko Senatral ng Pilipinas (BSP) ang bagong 1,000 peso bill ay nakatuon sa mga yaman ng bansa.

“The design of the new 1000-piso polymer banknote features the Philippine eagle, which symbolizes clear vision, freedom, and strength,” ayon sa BSP.

Mula sa cotton at abaca ang bagong pera ay gawa sa polymer, at ayon sa BSP magkakaroon rin ito ng security features.

Ngunit ang iilang mga historians ay hindi sangayon dito. Anila ang tatlong bayani ng World War II na sina Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim lamang ang nakikita nila sa 1,000 peso bill.

“It means a break in historical tradition,” ayon kay Jose Victor Torres, na history professor sa De La Salle University Manila.

“Ever since the Philippines had its own legal tender…there was already a way of designing before, when the front was the hero and the back design was the traditional symbols of Philippine culture,” ani Torres.

Bukod sa ito ang pinakamataas na pera sa Pilipinas, dala din nito ang kasaysayan ng bansa. Ang 1,000 peso bill ay kabilang sa New Design Series (NDS) na inilabas ng BSP — noong Central Bank pa ito, ay mula pa noong panahong naging malaya ang mga Pilipino sa Martial Law.

Leave a Reply