By: Jen Lopez

Ayon sa isang health official maaring makaranas ang bansa ng unti-unting pagtaas ng “vaccine-preventable disease” sa mga susunod na buwan dahil sa pagbawas sa immunization coverage.

Isang batang lalaki ang nakatanggap ng bakuna mula sa isang health worker sa Barangay Pinyahan sa Quezon City noong supplemental immunization activity laban sa measles at rubella.

Base sa Department of Health (DOH) nagbibigay sila ng babala sa mga sakit na maaring lumaganap tulad ng measles. Dahil anila ito sa kakulangan ng  produksyon sa mga bakuna na hindi para sa COVID19 virus.

Ayon kay health promotion bureau Beverly Ho ang ilang mga magulang simula noong pandemya ay huminto sa pagdadala ng kanilang mga anak sa mga health centers upang mabakunahan.

Ayon sa datos ng DOH noong 2019, ang mga batang nabigyan ng immunization shots ay umaabot ng 70 percent, pagpatak ng 2021 bumaba ito hanggang 48.5 percent.

“We are afraid there’s going to be a potential outbreak… We are recognizing that very great risk so it is really important to get our children vaccinated now,” aniya.

Aniya ang ang pagkalat ng measles lalo na sa mga bata na magbabalik eskwela ay magiging delikado dahil mas mabilis umano ito makahawa.

“That means more risk of transmission… In the last two years, children were not really interacting with their playmates because they were mostly at home. Now, most of them are going out,” ani Ho.

“The only reason perhaps why we’re not getting outbreaks now is because in between those times, we did have a lot of supplemental immunization activities done in conjunction with our partners… as well as entire local government units.”

Leave a Reply