By Frances Pio
Bumalik ang University of the Philippines sa pag-ani ng mga panalo ng mapabagsak nila ang winless University of the East, 81-68, nitong Martes sa UAAP Season 84 men’s basketball sa Mall of Asia Arena.
Ang kanilang ikalawang sunod na panalo, na ika-10 panalo nila sa loob ng 12 laban, ang nagbigay sa Maroons ng No.2 spot sunod sa walang talo na Ateneo Blue Eagles. Hindi mahalaga kung magkakaroon ng Final Four playoff o step-ladder sa susunod na round dahil nakamit nila ang ikalawang pwesto.
Gumawa Zav Lucero ng 20 puntos kabilang ang isang three-pointer nang masigurado na ng UP na nakuha na nila ang panalo. Nagdagdag din si Ricci Rivero ng 17 puntos.
“We’re still working a team — how to get our rhythm and how to execute, which was what we’ve been doing for the whole game earlier,” sinabi ni Fighting Maroons Head Coach Goldwin Monteverde.
Naglaro pa rin ang Warriors nang walang humpay at pursigido ngunit ang kanilang kinaya lamang ay putulin ang kalamangan sa siyam, 66-57, sa unang bahagi ng 4th quarter. Ang ngayon ay nasa panganib na tapusin ng UE ang season na may 0-12 na kartada.
