By: Jen Lopez

Madami ang nagbigay ng kani-kanilang mga opinyon sa isang nag-viral na post sa Facebook tungkol sa mensahe ng isang mister sa kanyang misis.

Pinagmulan ito ng iba’t-ibang argumento sa uspang pamilya, mag-asawa at kasal. Tinawag pa ngang “misogynist” ang mister na nagpost nito.

Sa isang panayam kasama ang mister sa viral post na si Mark Vincent Yao Nodado, aniya, malayo ito sa sinasabi ng mga tao at binibigyan niya ng oras at panahon ang kanyang misis uoang matupad nito ang kanyang mga gusto at pangarap sa buhay.

“I’m just surprised how people were able to come up with conclusions based on a single post,” ayon kay Nodado.

Sa kanyang Facebook post may ibinahagi si Nodado na usapan nila ng kanyang misis,

“My wife said this morning: ’10 years na pala akong graduate, parang wala akong personal achievements’ to which I immediately responded, ‘Wag mo sabihin yan. Yung achievement ko, achievement mo. Kasi hindi ko naman magagawa ng wala ka ehh,’” ayon sa kanyang Facebook post.

Bukod pa dito nabanggit din niya ang mga pangaraw-araw na gawain ng kanyang misis bilang asawa katulad ng pagtitimpla ng kape, pagluluto, pag-aayos ng mga dokumento, at higit sa lahat ang pag-aalaga sa kanilang mga anak at sa kanya.

Ngunit maliban sa madami ang na-inspire at natuwa sa post ni Nodado, marami rin amg naging kritikal at sinasabing misogynist o mababa ang tingin sa babae dahil hindi nito binigyang pansin ang kagustuhan ng kanyang misis na maabot ang kanyang sariling pangarap.

Aniya, minsan umano masyadong mapanghusga ang mga tao.

“I’m just surprised how people were able to come up with conclusions based on a single post.”

“Let’s not jump to conclusions that I didn’t support her in her dreams. Coming from her after I said na my achievements are hers, umiyak siya and she told me, those are the words she needed to hear. Who are they to say otherwise? Yun ang nangyari. I interpreted it positively. We both interpreted it positively then why do people insist it’s negative?” ayon kay Nodado.

Ani pa niya nung sinabi niya na ang misis niya ang nag-fluflush ng toilet, isa lamang umano itong biruan nilang mag-asawa.

“Sabi niya, kung gusto mo minsan ako na magfflush ng toilet. Common husband and wife banter. It was immediately followed by a ‘hahaha’ but people took it out of context, took it literally na hindi ‘to nagfflush ng dumi niya, napakababoy niya, ginawang katulong yung asawa niya. What it meant to me, yung mga simple things na hina-highlight ko dun, those are the simple things I’m telling my wife nga, you may think that these are just napakaliit na mga bagay but it meant the world to me.”

Sa kabilang banda, sa isang panayaman kasama ang misis na si Mhei, ginagawa aniya ang pagsisilbi sa kanyang pamilya dahil ito ay kanyang sariling kagustuhan.

“I stay at home, if by that I am a housewife, then okay. But as what my husband had written on his post, I also work as a financial advisor. I have my small businesses, too.”

“But still, I choose to stay at home for my family and I am 100% happy about it. I get to see my kids grow, I take care of them by myself. They are healthy and happy,” dagdag pa ni Mhie.

Nagbigay rin ng pahayag si Mhie sa isang Facebook post na siya ay ‘kinilig’ sa post ng kanyang asawa, at masaya siya na naappreciate ng kanyang asawa ang kanyang mga ginagawa.  

Leave a Reply