By: Jen Lopez

Nahuli ng pulisya ang isang most wanted na si Allan Delos Angeles sa mismong kaarawan nito sa Altavas, Aklan nito lamang ika-19 ng Abril.

Ngunit bago ito maipasok sa kanyang selda, sinurpresa ng pulisya si Allan ng isang chocolate cake na may nakasulat na “Happy 45th Birthday Allan!” bilang pagbati sa kanya.

Ang most wanted ay hinulo dahil sa kasong illegal possesion of firearms at frustrated murder at nabigyan ng warrant of arrest na galing sa Branch 51 Regional Trial Court Puerto Princesa.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), naaresto ng matagumpay si Allan sa tulong ng Bataraza MPS, sa Puerto Princesa, Palawan; Regional Intelligence Unit 6; Aklan Provincial Intelligence Team; at 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company.

“Ang matagumpay na operasyon ay bahagi sa mas pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga wanted na indibidwal at sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa buong bansa,” pahayag ng PNP. 

Leave a Reply