Binuksan ang walk-in vaccination site noong Huwebes habang pinalakas ng pamahalaang lungsod ang programa nito sa pagbabakuna upang makamit ang herd immunity ng populasyon sa pinakamadaling panahon.
Sinabi ni Dr. Dulce Amor Miravite, City Health Officer, noong Huwebes na ang mga bakunahan ay matatagpuan sa Jollibee-Sta. Cruz outlet sa Barangay Tetuan at McDonald outlet sa Barangay Guiwan.
“These will be temporary vaccinations sites for the Rest of the Adult Population (ROAP) and the Rest of Pediatric Population (ROPP),” Ayon kay Maravite.
Samantala, ang mga kinakailangan para sa mga menor de edad na 12 hanggang 17 taong gulang na kabilang sa ROPP ay ang mga sumusunod: kailangang may kasamang magulang o tagapag-alaga; valid ID; anumang proof of filiation (birth certificate, atbp.); at patunay ng legal na awtoridad sa bata, kung may kasamang tagapag-alaga. (By: Frances Pio)
