By: Francis Pio

Nasa 100 vials ng mga COVID-19 vaccine ang nasayang habang sinasalanta ng Bagyong Odette ang ilang bahagi ng bansa noong nakaraang linggo, iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes.

Sinabi ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang 100 vials ng Pfizer vaccines ay nasayang sa bayan ng Bingawan sa lalawigan ng Iloilo dahil sa power interruptions.

Sinabi ng DOH na sa ngayon ito ang tanging naiulat na pagkasayang ng bakuna dahil sa Bagyong Odette, na iniulat na pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong taon.

“Meanwhile, the assessment of vaccine wastage for Region 7, 8, and Caraga are still ongoing,” ayon kay Vergeire.

Dagdag pa niya, “Unfortunately, as of December 19, one hundred vials of Pfizer vaccines in Region 6, [in] Bingawan, Iloilo province was reported to be wasted. The National Vaccine Operations Cluster (NVOC) shall replenish stocks of Region 6.”

Leave a Reply