Labing apat na pulis ang nagpositibo sa COVID-19 matapos silang sumailalim sa targeted testing sa Gen. Trias, Cavite.
Kasalukuyang naka-admit na sa isolation facility ang mga pulis na nagpositibo sa COVID-19. Pansamantalang ihininto muna ang pag bibigay ng travel authority at iba pang mga clearances ng Philippine National Police para rin maiwasan ang lalong paglaganap ng pandemya.
Inihahanda naman nila ang online application system para wala nang magpupunta sa mga physical offices at para mapabilis din ang pagbibigay nito.
Para manatili ang kaayusan sa siyudad humingi na ang Gen. Trias police station ng augmentation sa cavite police provincial station.
Sinimulan na rin nila ang contract tracing ng mga nakasalamuha ng labing apat na nagpositibong mga pulis.