Ayon sa isang pagaaral ng World Health Organization, ang Pilipinas na ang may pinakamabilis na pagkalat ng may COVID-19 sa rehiyon ng mga bansang kabilang sa West Pacific Region. Katulad ng Cebu City.
Nagbigay ng pahayag si Sen. Sotto patungkol dito, aniya dapat aksyunan ng IATF ang pamamahala na ginagawa ng Department of Health kontra COVID-19.
Ito rin ay patungkol sa hindi maayos na pagsasagawa ng mass testing sa ating bansa gayundin ang contact tracing na dapat maisaayos ng DOH sa madaling panahon upang hindi na madagdagan pa ang kaso ng may COVID-19 sa ating bansa.
Sa kasalukuyan ay maihigit 34,000 na ang mayroong COVID-19 sa Pilipinas. Ayon kay Senator Joel Villanueva, mayroong pagkukulang sa pagbibigay ng mga protocol upang maiwasan ang pagkahawahawa ng sakit. Malaking epekto din matapos paluwagin ang mga community quarantine sa bawat lugar sa Pilipinas.
Umani rin ng batikos ang DOH mula sa iba pang senador sa Pilipinas dahil nga sa hindi maayos na pagpapalaganap ng iba’t ibang paraan para maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa.