By Christian Dee
MAYNILA – Dumating na sa bansa nitong Lunes, Mayo 1, ang labinlimang Pilipino na galing sa Sudan.
Ang mga kauuwi lamang ay ang ikatlong pangkat ng mga Pilipinong umuwi dahil sa gulong dinaranas ngayon sa naturang bansa sa Africa.
Labindalawang (12) nasa hustong gulang, isang sanggol, at tatlong bata na ang isa ay may kailangan ng espesyal na atensyon.
Ayon sa isang OFW na si Chum Dela Cruz na nakapagtrabaho sa Sudan nang 12 taon, gumagamit ng “jet plane, tank hindi lang po basta basta na putukan ng tao sa tao,” aniya ayon sa ulat ng ABS-CBN News.
“Gumagamit sila ng talagang heavy artillery po,” dagdag pa niya.
Na-trauma anya ang ang kanyang dalawang anak na ang edad ay isa at apat na taong-gulang pa lamang.
32 na ang bilang ng mga kababayang napauwi sa bansa mula Sudan ayon sa Department of Foreign Affairs, habang inaasahan naman ang 575 pang Pilipino matapos tiyakin ng ahensya.