Matapos mapagalaman na nagpositibo sa COVID-19 ang mahigit 15 na manggagawa ng MRT-3 ay pinabulaanan ng kanilang pamunuan na wala dapat ikabahala ang publiko sa patuloy na operasyon nito.
Mahigit 32 na manggagawa ang sumailalim sa swab testing at 15 nga dito ang nagpositibo sa COVID-19. Ang mga trabahador na ito ay mula sa Sumitomo-Mitsubishi-TESP na provider ng MRT-3.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3 ang mga nagpositibo ay walang kahit anong naganap na contact sa publiko dahil sa depot diumano sila nagtatatrabaho. Gayundin, ang kanilang contact sa mga station personnel na umaalalay sa mga pasahero ayon sakanila napakalimitado ng posibilidad kaya nakakasiguro sila na walang nahawaan na iba pang tauhan o kahit sinong pasahero.
Ayon naman sa DOTR, sasailalim sa rapid antibody testing ang lahat ng depot personnel ng MRT-3. Ang lahat ng magpopositibo ay kinakailangan sumailalim sa confirmatory test at kailangang mag self-quarantine hanggang lumabas ang resulta.
Ayon pa sa Director for Operations ng MRT 3 na si Michael Capati, mas papaigtingin nila lalo ang mga gabay sa pagsakay ng MRT 3. Magkakaroon ng disinefection sa depot at sa bawat istasyon gayundin sa loob ng mga bagon. Gagawin nila ang naaayon para maiwasan ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa kanilang mga tauhan lalong lalo na sa mga pasahero.