Share:

By: Margaret Padilla

Ipinahayag ng Bulacan provincial veterinary nitong Lunes na kinatay ang halos 17,000 manok na tinamaan ng bird flu sa isang poultry farm sa Brgy, Parada, bayan ng Sta. Maria, Bulacan para maagapan ang pagkalat ng virus nito. 

Ayon sa The Manila Times, kinumpirma ng Bulacan Provincial Veterinarian na si Voltaire Basinang ang pagkakaroon ng ‘highly infectious’ o ‘pathogenic avian influenza (HPAI) A(H5N1) virus’ sa isang ‘layer farm’ sa lalawigan ng Bulacan.

Ang isang ‘layer farm’ ay kung saan may ‘production’ o paggawa ng itlog.

Ayon sa Centers for Disease Control (CDC), ang HPAI H5N1 ay lubhang ‘pathogenic’ at nakamamatay.

“At least 17,000 chickens were culled and we suspect that the migratory birds caused the outbreak,” ang sabi ni Basinang sa isang panayam.

Ang mga ‘migratory bird’ ay karaniwan sa Bulacan, Pampanga, at iba pang lugar sa Gitnang Luzon.

“The farm is not bird-proof so we advised poultry farms to cover their farms with nets as there are many migratory birds in the area,” dagdag pa niya.

Sa loob ng isang kilometrong lawak ng apektadong bukid, nagsasagawa na ngayon ng surveillance ang provincial veterinary office.

Paliwanag ni Basinang, nagsasagawa sila ng mga pagsusuri upang matiyak na walang ibang mga manggagawa ang nahawaan ng virus.

Leave a Reply