By Christian Dee
MAYNILA – Nakabalik na sa basa nitong Lunes ng umaga, Pebrero 13, ang walong Pilipinong nabiktima ng human trafficking sa Myanmar.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang apat na lalaki sa mga biktima ay na-recruit online mula sa Dubai para sana magtrabaho bilang mga customer support representatives sa Thailand.
Kakaiba sa inasahan ng mga nasabing biktima ang nangyari dahil imbes sa Thailand, dinala ang apat sa Myanmar at pinilit para magtrabaho bilang cryptocurrency scammers.
Sinabi kanina sa isang pagdinig sa Senado na ang mga biktima ay hindi sinuswelduhan sakaling mabigong maka-scam ng mga indibidwal.
Bukod sa apat na nabanggit, ang apat pang biktima ay idinetine dahil sa diumanong ilegal na pagpasok sa Myanmar mula sa Thailand.
“Therefore, crossing by any other means (e.g., across the river) is illegal. Moreover, the legal entry points for foreigners, including Filipinos, are through Yangon, Mandalay, and Nay Pyi Taw airports,” anang DFA.
Pinayuhan naman ng DFA ang publiko na maging mapanuri sa mga bogus na trabahong inaalok sa social media para maiwasan ang human trafficking.
“It is vital to pass through the legal deployment processes in the Philippines and arrive in their countries of destination not as tourists but with actual working visas,” anang ahensya.