By: Jen Lopez
Magsisimula na ang national government sa susunod na linggo na magpamahagi ng second dose ng COVID19 booster sa mga lugar kung saan higit na kailangan nito.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na namumuno din sa National Vaccination Operations Center, sisimulan na sa Lunes ika-25 ng Abril ang paglabas ng pangalawang dose ng booster shot.
“We’re going to start it by Monday because we need to resolve three points,” ani ni Cabotaje sa isang interview.
“We are going to start it on Monday and we’re going to do it nationwide. No more NCR Phase 1. We would like to roll it out nationwide, immediately on Monday, after we have discussed the guidelines with our implementers,” dagdag pa nito.
Aniya ilan sa mga problemang kailangan solusyonan bago ang paglabas ng bakuna ay ang pagkilala sa kung sino ang mga nasa ilalim ng immunocompromised sector.
Sa kabilang banda ayon kay Cabotaje ang paggamit ng ibang brand ng COVID19 vaccine bilang pangalawang dose ng booster ay mas mabisa base sa recommendation ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng gobyerno.
