By Christian Dee
MAYNILA – Hinalay umano ang isang 17 anyos na babaeng ng mga kainuman nito sa Barangay Commonwealth sa Quezon City. Inaresto naman ang mga suspek at haharap sa kasong rape.
Inimbestigahan ng pulisya ang insidente at napag-alamang nag-inuman ang biktima at ang babaeng suspek, at nagpasundo ang babaeng suspek sa mga kaibigan nito sa bahay ng tiyuhin ng biktima. Ngunit hindi pa natapos ang inuman nang dumating ang mga ito, itinuloy pa ang pag-iinom hanggang malasing ang biktima.
Kumilos ang suspek upang halayin umano ang biktima nang magpaalam ang 17 taong gulang na babae na siya ay matutulog na.
Ani ng commander ng Quezon City Police District Station 6 na si Lt. Col. Morgan Aguilar, “Noong nagising siya, hinahawakan na ‘yong kamay niya. Tapos ‘yong dalawang lalaki, halinhinan na siyang hinalay.”
Napag-alaman din nitong walang ginawa ang babaeng suspek nang halayin noong dalawang lalaki ang kaibigan.
“Ito namang babae niyang kaibigan, walang ginawa,” dagdag pa ni Aguilar.
Ipinaalam ng biktima ang pangyayari sa kaniyang tiyuhin at agarang nagsumbong sa mga awtoridad. Agad naman din naman umaksyon ang mga awtoridad upang mahuli ang tatlong suspek.
Sabi naman ng babaeng suspek na tulog aniya siya nang halayin ng mga lalaki ang biktima bilang kaniyang depensa.
Kasalukuyang hawak ng Batasan Police Station ang mga suspek at para sa counseling, ililipat naman ang mga ito sa Department of Social Welfare and Development.
