By Christian Dee
MAYNILA – Nitong Lunes Nobyembre 7, umabot sa 37 wanted na indibidwal ang inaresto sa lalawigan ng Zambales sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya.
Ayon sa police office ng probinsya, ang mga nakatakas ay nahuli simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 5.
Higit dalawampu naman ang nahaharap sa mga kasong kabilang ang murder, child abuse, violence against women, at pagnanakaw.
13 sa mga nahuli ay inaresto dulot ng illegal na pagsusugal at ang iba naman ay sangkot sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Inilagay naman sa ilalim ng kustodiya ng mga istasyon ng pulisya kung saan sila nahuli.
