Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Hinuli ng Bureau of Immigration sa Pilipinas ang apat na South Korean na mga pugante at wanted sa kanilang bansa dahil sa kasong panloloko at ilegal na pagsusugal.

Ayon sa Commissioner ng naturang kawanihan na si Norman Tansingco nitong Miyerkoles, magkakahiwalay na mga operasyon nitong Pebrero ang naganap sa Metro Manila at sa Pampanga para mahuli ang apat.

Kinilala naman ang mga takas bilang sina Chun Junghoon, Kim Jingsuk, Park Geon Jin, at Park Kyoungtae

Noong unang araw ng Pebrero, inaresto ng BI ang 39-taong gulang na si Chun Junghoon sa Lungsod ng Pasig, na siyang akusadong sangkot sa telecom fraud na nanloko sa mga biktima at umabot sa halos 3,000 dolyar (USD) sa pamamagitan ng voice phishing.

Nasa listahan ng mga wanted sa kawanihan si Chun mula pa noong 2020.

Noong Pebrero 4 naman, hinuli ng BI Fugitive Search Unit sina Kim at Park Geon Jin in Bgy. Anonas, Angeles City, Pampanga.

Ayon sa kawanihan, wanted si Kim, 44-anyos, sa umanong paglulustay ng pera ng kanyang employer na 367 million Korean won o nasa halos $300,000 habang si Park Geon Jin, 34-anyos, naman hinihinalang miyembro ng samahan ng mga gumagamit voice phishing.

Pebrero 8 naman nang arestuhin ng BI ang 40-anyos na si Park Kyoungtae na wanted sa Busan dahil sa ilegal na pagpapatakbo ng isang gambling website mula 2020.

Ani Tansingco, nasa kalagitnaan daw ang kawanihan ng kampanya para mapaalis ang mga wanted foreigners na ginagawang taguan ang Pilipinas.

“We are in the midst of an intensified campaign to flush out these wanted foreigners who are using the country as a refuge to elude arrest and prosecution for crimes they committed in their homeland,” aniya.

Inihayag din ng naturang opisyal na ma-de-deport ang apat na South Korean fugitives dahilan ang kanilang pagiging hindi kanais-nais at “undocumented” na “aliens” sa bansa.

“They will also be placed in our blacklist, thus banning them from reentering the country,” dagdag pa ni Tansingco.

Leave a Reply