Share:

By: Margaret Padilla

Kinumpirma nina David Licauco at Barbie Forteza, gumaganap na Fidel at Klay, ang ulat sa “24 Oras” na extended ang palabas na ‘Maria Clara at Ibarra.’

Masayang tinanggap ng mga manonood ang balita, at trending pa rin sa Twitter ang hashtag na #MCIExtend.

Inihayag ni Licauco sa isang hiwalay na panayam na ito ay regalo ng palabas sa mga tagahanga nito.

“For the fans ito ‘yung Valentine’s gift ng lahat ng buong cast at buong bumubuo ng ‘Maria Clara at Ibarra’ so I’m just super happy na mae-extend,” ang kanyang pahayag 

Samantala, sinabi ni Forteza na hindi nila inaasahan ang suportang ito ng mga Kapuso o ng mga manonood.

“Hindi talaga namin ine-expect itong level ng pagmamahal sa amin ng mga viewers, ng mga Kapuso. So sino ba naman kami para hindi dinggin ang kanilang mga hinaing?” ang wika ni Forteza. 

Ayon sa Philstar News, sa pagkamatay ni Maria Clara (Julie Anne San Jose) noong nakaraang linggo, mas lalong tumindi ang pagkauhaw ni Simon (Dennis Trillo) na ipaghiganti ang pagpanaw ng kasintahan.

Sa huling episode, nakipaghiwalay na si Simoun sa kanyang mga kaibigan.

“Adios antigos amigos (Paalam mga dating kaibigan),” sabi niya kina Klay, Fidel, at Elias (Rocco Nacino), pagkatapos nilang magkaroon ng pagtatalo.

Wala pang detalye mula sa GMA Network tungkol sa tagal ng extension.

Leave a Reply