By Frances Pio
––
Kung patuloy na bumaba ang pagsunod sa minimal public health standards (MPHS), inaasahan ng DOH na aabot sa 4,000 hanggang 8,000 ang kada araw na impeksyon na maitatala sa Oktubre.
“Kung sakaling magtutuloy tuloy na bababa ang ating [MPHS] we might have cases ranging from 4,000 to 8,000 by the end of October,” sinabi ni DOH Officer in Charge Maria Rosario Vergeire.
Gayunpaman, binigyang-diin niya na ang mga “factor o assumptions” na ginamit ng DOH para gawin ang mga pagtataya na ito ay nananatiling variable.
“These are assumptions, it’s not casting stones, maaari itong mabago base sa mga pagbabago doon sa mga considered factors or assumptions na ginagamit natin,” sinabi ni Vergeire.
Kabilang sa mga factor na ito ang paggamit ng mga face mask at bukod sa iba pang uri ng pagsunod sa MPHS.
“‘Yung face masking outdoors is part of our assumption for the compliance to the [MPHS] so isa ‘yun doon sa assumptions natin. So ngayon na there is optional masking outdoors, definitely ‘yung compliance ng MPHS ay bababa,” ayon kay Vergeire.
Idinagdag ni Vergeire na napansin ng departamento ang mahusay na pag-uugali mula sa publiko, dahil karamihan sa mga Pilipino ay nagsusuot ng face mask sa labas.
Nauna nang binanggit ni Vergeire na posibleng tumaas ang mga impeksyon sa COVID-19 dahil sa muling pagbubukas ng mga paaralan at pagluwag ng iba pang sektor, gaya ng transportasyon.
Batay sa COVID-19 tracker ng DOH, ang aktibong impeksyon sa buong bansa ay kasalukuyang nasa 27,553.