Share:

By Frances Pio

––

Multiple counts of murder ang isinampa laban sa limang suspek sa umano’y nagsagawa ng summary execution o “salvaging” sa apat na tao sa Barangay Imelda, Villanueva, Misamis Oriental, inihayag ng Police Regional Office-Northern Mindanao (PRO-10) nitong Miyerkules, Hulyo 13.

Sa isang pahayag, sinabi ng PRO-10 na isinampa ang kaso matapos ibunyag ng isang testigo na nakita niya ang mga suspek na sakay ng isang SUV at nakita rin ng iba pang testigo sa lugar.

“The case of murder was filed on the strength of one of the witnesses saying that the five suspects were on-board with an SUV vehicle that happened to be the same vehicle sighted by other witness at the place of the incident and was also corroborated by other witnesses,” ayon sa PRO-10.

Sa isang panayam sa telepono noong Miyerkules, sinabi ni Police Lt. Col. Michelle Olaivar, tagapagsalita ng PRO-10, na ang mga kaso ay isinampa ng Villanueva Municipal Police Station sa Office of the Provincial Prosecutor Martes, Hulyo 12.

Bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon, sinabi ni Olaivar na inatasan na ng regional police ang lokal na pulisya na magbigay ng mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga testigo.

Sinabi ni PRO-10 Director Police Brig. Gen. Benjamin Acorda Jr. na nangakong magbibigay ng hustisya sa mga biktima at tiniyak ang pagpapatuloy ang imbestigasyon sa kabila ng pag-unlad ng kaso.

“This is a good development of the case. Our investigation will not stop here until the suspects will be placed behind bars so that justice will be served,” ayon kay Acord.

Kinilala ng PRO-10 ang mga biktima na sina Mark Rounin, 15; Miller, 6, at Noel Bado Jr., isang taxi driver, pawang mga residente ng Katipunan, Barangay Hinaplanon, Iligan City; at Joy Simbajon Canoy, 38, ng Barangay Tawantawan, Initao, Misamis Oriental.

Sa isang panayam sa iFM Cagayan de Oro Hulyo 11, sinabi ni Police Col. Raniel Valones, hepe ng Misamis Oriental Police Provincial Office (MORPPO) na tinitingnan nila ang iligal na droga bilang posibleng motibo sa pagpatay.

“(Motive) That’s one of our main focus because killing a minor is an abomination and these things are possibly related to illegal drugs,” sinabi ni Valones.

Sa kanilang inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Valones na ang sasakyan ng mga biktima ay na-flag down ng mga suspek sa Initao sa Misamis Oriental, mahigit 81 kilometro mula sa Villanueva kung saan natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima. Sinunog ng mga suspek ang kotse sa Naawan, Misamis Oriental, mahigit 20 kilometro mula sa Initao.

Sinabi ni Olaivar na ang police investigating team ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng pamilya ng mga biktima upang mangalap ng mahahalagang impormasyon na makakatulong sa mga awtoridad na malutas ang kaso.

Leave a Reply