By Frances Pio

Inilagay ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Saidamen Pangarungan noong Martes ang pitong munisipalidad at isang lungsod sa Mindanao sa ilalim ng Comelec control.

Isinailalim sa kontrol ng Comelec ang mga bayan ng Buluan, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Mangudadatu, Pandag at Sultan Kudarat sa lalawigan ng Maguindanao.

Nasa ilalim din ng Comelec control ang Marawi City at ang Bayan ng Maguing na parehong nasa Lanao del Sur, bukod pa sa mga Bayan ng Tubaran at Malabang.

Sinabi ni Pangarungan na ang kanyang pinakahuling direktiba ay batay sa rekomendasyon ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines at Regional Election Director Ray Sumalipao, ang Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC).

Sa ilalim ng Comelec Resolution 10757 ang isang lugar ay maaring isailalim sa Comelec control kung mayroong kasaysayan at mayroong kasalukuyang matinding tunggalian sa pagitan ng mga magkatunggaling partido.

Ang gayong mga tunggalian ay maaaring mag-udyok sa mga tao na gumawa ng mga marahas na gawain; mga insidente ng karahasan na may kinalaman sa pulitika na kinasasangkutan ng mga aspirant o kandidato at iba pang mga tagasuporta.

Leave a Reply