By Frances Pio
Mahigit 86,000 na pamilya ang inilikas dahil Tropical Depression Agaton at nag-iwan ng isang patay nitong Lunes ng umaga, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa pinakahuling datos ng NDRRMC, 86,515 pamilya o 136,390 na indibidwal sa 201 barangay ang nawalan ng tirahan dahil sa sama ng panahon.
May kabuuang 3,717 pamilya o 13,049 na indibidwal ang patuloy na sumisilong sa 71 evacuation sites, habang 25,485 pang pamilya ang nananatili sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.
Ang mga lumikas na indibidwal ay mula sa Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
