By Frances Pio
––
Lumampas na sa 9,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa, ayon sa datos ng Department of Health (DOH).
Batay sa pinakahuling numero ng DOH, nakapagtala ang bansa ng karagdagang 1,302 COVID-19 na kaso noong Sabado, na nagpapataas sa bilang ng aktibong impeksyon sa 9,105.
Nakapagtala ang bansa ng mahigit 1,000 bagong kaso sa loob ng tatlong magkakasunod na araw mula noong Hunyo 30.
Ang kabuuang bilang ng kaso ay nasa 3,706,951.
Samantala, nasa 3,637,268 kabuuang bilang ng mga nakarekobe at 60,578 na nasawi sa COVID-19.
Ayon sa independent analytics group na OCTA Research fellow na si Guido David, karamihan sa mga bagong impeksyon sa COVID-19, o 625 na kaso, ay naitala sa Metro Manila.
Sa 625 na bagong kaso sa NCR, mahigit 100 ang naitala sa Quezon City.
Ang mga sumusunod ay ang breakdown ng mga kaso sa mga local government units ng Metro Manila:
Quezon City – 139 new cases
Makati – 83 new cases
Manila – 83 new cases
Parañaque – 52 new cases
Pasig – 40 new cases
Pasay – 38 new cases
Las Piñas – 34 new cases
Mandaluyong – 34 new cases
Taguig – 29 new cases
Muntinlupa – 24 new cases
Marikina – 20 new cases
Caloocan – 14 new cases
San Juan City – 11 new cases
Valenzuela – 10 new cases
Malabon – 6 new cases
Navotas – 5 new cases
Pateros lamang sa mga lugar sa Metro Manila ang hindi nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19.