By Frances Pio

––

Kabuuang 990 sa 4,442 examinees ang pumasa sa May licensure examination para sa Certified Public Accountants (CPA), iniulat ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules.

Ginanap ang pagsusulit mula Mayo 22 hanggang 24 sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

Si Jhoone Cyrelle de la Cruz Nacario, nagtapos ng University of Santo Tomas (UST), ang nanguna sa listahan ng mga topnotcher sa iskor na 88.83%.

Darleen May Baria Alcantara mula sa San Beda University at Yanna Jillianne Beriarmente Cruz mula sa Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa ang nasa pangalawang puwesto na may markang 88.17%.

Nasa ikatlong puwesto naman si Charlene Mae Noche Perez, mula rin sa UST, na nakakuha ng 88%.

Samantala, walang mga educational institution ang kwalipikado bilang “top-performing schools.”

Narito ang listahan ng topnotchers sa katatapos lang na CPA licensure examination: https://www.prcboard.com/result-may-2022-accountancy-cpa-board-exam-top-10-examinees/?fbclid=IwAR3fcBHUMkDxO94CiFv3_-Zrs0nqggD3qNXDI0V2FVd15UbPSpc5wth470E

Leave a Reply