Share:

By Christian Dee

MANILA – Isiniwalat na ng sexy actress na AJ Raval ang relasyon nila ng aktor na si Aljur Abrenica matapos ang ilang taon na naging usap-usapan ang ugnayan nila.

Nitong Araw ng mga Puso, Pebrero 14, nag-post si Raval sa Instagram ng isang sweet message kalakip ng isang larawan nila ni Abrenica na tila nagsasayaw habang nasa beach.

“I’ll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally,” saad ni Raval sa kanyang Instagram post.

Matatandaang naging maingay ang pangalan ng dalawa sa social media nang makita silang magkasama sa isang umanong date noong Oktubre 2021, at naiugnay pa ang hiwalayan ni Abrenica at ng dati nitong asawa na si Kylie Padilla, anak ng action star at ngayong Senator Robin Padilla.

Kinlaro naman din ni Padilla ang pangalan ni Raval matapos ang naturang alegasyon.

Ani Padilla, hiwalay na sila ng aktor noong Abril 2021 pa.

Naging usap-usapan din na nabuntis si Raval pero itinanggi rin ng ama nito na si Jeric Raval noong Agosto.

Leave a Reply