Ang fully vaccinated na mga biyahero ay maaari na ngayong makapasok sa Cebu City ports nang hindi nangangailangan ng real-time polymerase reaction (RT-PCR), antigen, o saliva test. Ang bagong Directive No. 10-25-1 na nilagdaan ni Acting Mayor Michael Rama ay nagsasaad na ang mga fully vaccinated ay dapat na lang magpakita ng valid identification card (ID) at kanilang vaccination card na may quick response code para makapasok sa lungsod.

Sinabi ni Acting Mayor Michael Rama na ang direksyon ng lungsod ay palaging bigyan ng insentibo ang mga fully vaccinated individuals at sa ngayong maluwag na ang mga travel restrictions kahit papaano para sa kanila ay magandang hakbang ito.

Samantala, sinabi ni Konsehal Joel Garganera, ang deputy chief implementor ng Emergency Operations Center (EOC), na naiintindihan ng lungsod na hindi lahat ng local government units (LGUs) ay naglalabas ng vaccine card na may QR codes.

Para sa mga ganitong pagkakataon, dapat ipakita ng indibidwal ang kanyang vaccine certificate mula sa Department of Health (DOH), na maaaring makuha ng libre sa pamamagitan ng website ng Vaxcert. (By: Frances Pio)

Leave a Reply