Share:

Nakipagpulong si Presidential aspirant Senator Ronald “Bato” dela Rosa nitong Lunes, Oktubre 25, kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, kung saan pinaalalahanan niya ito na “malapit na” ang Nob. 15, ang deadline para sa pagpapalit ng mga kandidato para sa 2022 elections.

Ibinahagi ni Dela Rosa ang larawan sa Facebook at sinabing nakipagkita siya sa panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City Hall.

“Teaser lang muna ito sa aming meeting with Mayor Inday Sara minutes ago at Davao City Hall,” isinulat ni Dela Rosa sa caption.

Dagdag pa niya,“Just reminded her that Nov. 15 is fast approaching.”

Ito ay sinabi niya sa kabila ng paggigiit na hindi lamang siya isang placeholder para kay Duterte-Carpio, na nililigawan ng kanyang partido, ang Cusi faction ng PDP-Laban, upang maging standard bearer nito. (By: Frances Pio)

Leave a Reply