Share:

Kasalukuyan ng tinatalakay sa Senado ang bagong Bayanihan Law (Bayanihan to Recover as One) na ang layunin ay ang pagbangon ng iba’t ibang sektor sa ating lipunan. Ang bagong Bayanihan Act ay hindi ekstensyon o karugtong ng naunang Bayanihan Law (Bayanihan to Heal as One) kundi upang tuluyang makabangon ang Pilipinas sa pandemyang COVID-19.

Ang Bayanihan 2 ay magbibigay awtoridad sa ehekutibong sangay ng gobyerno upang pondohan ang mga sektor gaya ng Department of Agriculture, mga apektadong OFW, Department of Transportation, Department of Tourism, atbp. Ayon naman kay Senator Francis Tolentino, nais ituon ang panukalang batas na ito sa turismo ng bansa na binubuo ng mga pribado at maliliit na kabuhayan o “micro-businesses.”

Ngunit nilinaw ni Senator Sonny Angara na naka-depende pa din sa eksekutibong sangay kung paano at saan mapupunta ang pondong ilalaan sa mga programa ukol sa corona virus sa ilalim ng bagong Bayanihan Act.

Leave a Reply