Isinusulong ni Senadora Grace Poe sa Senado ang isang panukalang batas na naglalayong maprotektahan ang mga tao laban sa iba’t ibang uri ng “digital crime,” lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan mas marami ang mga transaksyon online.
“Our reliance on our mobile phones for various financial and personal transactions requires us legislators to ensure that digital connectivity is safe for all users,” ayon sa Senadora.
Sa kanyang sponsorship speech sa Senado, sinabi ni Poe na ang mga ‘unregistered’ SIM cards ay maaaring gamitin sa paggawa ng mga krimen tulad ng terrorism, cyberbank heists, proliferation of unsolicited, indecent or obscene messages, at dissemination of massive disinformation campaigns na maaaring magdulot ng kaguluhan sa publiko.
“Criminals have taken advantage of our lax system to freely carry out their despicable schemes and evade the long arm of the law. The fact that these crimes are flourishing under the current system only proves that the system is flawed and needs to be changed,” ani Poe.
Ang panukalang “SIM Card Registration Act” o Senate Bill No. 2395 sa ilalim ng Committee Report No. 306 ay magmamandato sa mga public telecommunications entities na i-register ang lahat ng mga SIM Cards kung saan kinakailangang mag-submit ng registration form at valid identification card ang kanilang mga subscribers.
“This bill is not the be-all and end-all in our fight against any form of digital crime. It is only one of the measures that we need to put in place as Filipinos increasingly turn to digital banking and payment channels,” dagdag ni Poe.
Mayroong 155 na bansa sa buong mundo ang may mandatory SIM Card registration kabilang ang Japan, South Korea, Australia, at halos lahat ng bansa na kabilang sa European Union.
Siniguro rin ni Poe na ang ‘privacy’ ng bawat consumer ay patuloy na mapoprotektahan kung saan ang National Telecommunications Commission (NTC) ay sisiguraduhing ang pagpapatupad ng centralized SIM card registration ay naaayon sa Data Privacy Act of 2012.
“Ang mga impormasyong makakalap ay maaari lamang makuha ng mga awtoridad sa utos ng isang Korte. It will only be given upon finding of probable cause that a specific mobile number was or is being used in the commission of a crime, or that it was utilized as a means to commit a malicious, fraudulent or unlawful act,” paliwanag ng Senadora.
