Isang panukalang batas ang sinusulong sa Senado na palawigin ang voter registration na matatapos na sa katapusan ng Setyembre. Nais ng senado pahabain ang araw ng voter registration hanggang Oktubre 31.
Ipinanukala ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang Senate Bill 2408 na naglalayong pahabain pa ng isa pang buwan ang voter registration. Nais nitong baguhin ang deadline na nilagay ng COMELEC na magtatapos na sa Setyembre 30, 2021.
Malaki ang naging epekto ng pandemya sa voter registration. 12 milyong Pilipino ang mawawalan ng pagkakataon bumoto kung hindi papalawigin ang pagpaparehistro.