Share:

Nais ng mga health workers na magkaroon ng batas patungkol sa digital contact tracing dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa ating bansa.

Para sa Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19, nais nila magkaroon ng “long term” solution matapos isailalim ang NCR Plus sa mas mahigpit na community quarantine noong nakaraang dalawang linggo.

Ayon sa kanila, kailangang magkaroon ng batas na magsasaad kung anong datos ang kinakailangang itala at sino ang mangangalaga ng mga ito.

“We were pushing for digital contact tracing because we feel this is the Achilles heel. We cannot continue on insisting we can do manual contact tracing. The virus is moving so fast. Ang joke nga namin nagviral na ang virus, tayo manual pa rin,” ani ni Dr. Aileen Espina.

“We now have StaySafe. We also have QR codes in different LGUs (local government units), we have business establishments…They’re not sharing this data so nobody really gets a visual.” dagdag pa ni Espina.

Ayon naman sa Malacañang, inaprubahan na ng IATF ang paggamit ng mga text messages sa pagsasagawa ng mga contact tracing.

Samantala, ayon naman sa OCTA Research ay maaaring pumalo na sa 1 milyong kaso ng Covid-19 sa bansa sa katapusan ng buwan.

Leave a Reply