Share:

Ang gobyerno ay naghahanda para sa umano’y “worse” o pagkakaroon ng pangalawang pinakamalaking surge ng COVID-19 sa bansa na possibleng tumama sa Hunyo o Hulyo, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Martes.

“We have to expect na this coming June and July, baka magkaroon na naman tayo ng peaking or surge,” sinabi ni Galvez sa isang panayam sa ABS-CBN News Channel.

Inilabas ni Galvez ang babalang ito habang patuloy na nagtatala ang Pilipinas ng matataas na bilang ng mga bagong impeksyon ng COVID-19 araw-araw.

“Ang nakita po natin, hindi pa po tapos ang COVID. Nakita po natin, the wrong notion na COVID is already finished in some other countries. It can reappear anytime. We have to expect for the worse when we are planning something. We are now preparing for it, just in case,” ani ni Galvez.

Ayon kay Galvez, nagpaplano sila para sa pagdagsa sa mga urbanisadong lugar tulad ng Metro Manila, Cebu at Bacolod City kung saan napansin ang isang “cycle” ng mga impeksyon noong nagsisimula pa lang ang pandemya noong nakaraang taon.

“Ganoon ang ginagawa nating planning. Until such time na there is already a definite cure or definite elimination for the COVID, that’s the time we will see yung economic recovery,” dagdag pa niya.

Ang Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna o ang tinaguriang NCR Plus ay ibinaba sa modified enhanced community quarantine o (MECQ) hanggang sa katapusan ng Abril kasunod ng dalawang linggong ECQ.

Leave a Reply