Naghahanda na ang Department of Education para sa lahat ng posibleng pangyayari sa estado ng edukasyon sa bansa matapos magbigay ng babala ang isang mambabatas na maaaring ma-extend ang distance learning hanggang sa susunod na taon.
Ayon kay Briones ang Department of Education (DepEd) ay gumagawa ng mga paraan sa pangyayaring ito.
Bagama’t hindi pa umano maibibigay ang mga bakuna sa mga edad 16 pababa nitong taon, ayon ito kay Anakalusugan party-list representative Mike Defensor.
Dalawang beses na din hindi pinatupad ng Presidente ang isasagawa sanang pilot test sa face-to-face classes noong Pebrero dahil kailangan unahin ang pagaasikaso sa mga bakuna.
Dagdag pa ni Briones sa kalagayan ng edukasyon ng bansa, malaki ang nagiging epekto nito sa psychosocial welfare ng mga estudyante.
Ang Pilipinas na lang din umano ang natitirang bansa na hindi pa nakakabalik sa face-to-face classes sa buong Southeast Asia.
