Share:

Epektibo na simula nitong Martes ang Executive Order No. 104 na nag-aatas ng pagbawas sa presyo ng ilang pangunahing gamot sa bansa. 

Nakapaloob sa Executive Order na ito ang 87 na uri ng gamot para sa mga sakit na hypertension, diabetes, at breast, colorectal at lung cancers.

Kasama rin ang gamot para sa chronic kidney disease at asthma o chronic obstructive pulmonary disease o COPD.

Ito ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 17. Nakalagay na ang presyo ng mga gamot ay bumaba ng 50 porsyento mula sa dati nitong presyo.

Mananatili parin ang 20 percent discount ng mga senior citizen at persons with disability na hiwalay sa batas na ito.

Leave a Reply