Share:

Ang Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros ay ipinasarado ngayong Lunes, Hunyo 8, matapos mag-positibo sa COVID-19 ang isang empleyado nito.

Ipinautos agad ni Immigration Commissioner Jaime Morente na i-disinfect at i-sanitize ang lahat ng opisina sa loob ng nasabing tanggapan.

“We have decided to temporarily close our main office to protect not only our employees but that of the transacting public as well against this deadly virus,” pahayag ni Morente.

Ang tao na nag positibo ay isa sa isang daang empleyado ng BI na sumailalim sa rapid testing noong nakaraang Linggo sabi naman acting spokesman Melvin Mabulac

“He initially tested positive in the rapid test conducted last June 2 so he was subjected to a confirmatory swab test. The test result showing he has the virus came out last Saturday,” ani ni Mabulac.

Ang mga kasamahan naman sa opisina ng nag-positibo ay isasailalim muli sa mandatory test para malaman kung na nakakuha ba sila ng virus o hindi.

“We assure the public that our main office will be back in business as soon as we have finished disinfecting our building. Please wait for further announcements,” dagdag ni Mabulac.

Samantala, ang mga BI satellite at mga extension office sa Metro Manila ay mananatiling bukas.

Leave a Reply