By Christian Dee
MAYNILA – Nagpahayag ng saloobin ang beteranong TV host na si Boy Abunda ukol sa “This is Me,” ang 14-minute na vlog ng aktres na si Liza Soberano.
Ani Abunda, marami siyang gustong sabihin ukol dito, at sinabing “disappointed” siya sa kalalabas lamang na vlog ng aktres sa YouTube.
“Disappointed po ako doon sa vlog. I am extremely, I’m not disgusted, but I am extremely disappointed with the vlog,” pahayag ng TV host habang naka-ere ang kanyang segment na “Fast Talk with Boy Abunda.”
Paliwanag ni Abunda, malumanay ang pagkakasabi ni Soberano sa kanyang mga mensaheng nilalaman ng video nito.
Aniya, may karapatan ang aktres na magbago ng kanyang management pero ipinunto rin ni Abuna ang pinanggagalingan ng kanyang pagkadismaya.
“May mga complaints siya doon na, ‘I had no voice; wala akong kinalaman; hindi ako tinatanong kung ano’ng nangyayari sa aking karera; I was just working with three directors na paulit-ulit,’” aniya.
Tanong naman ni Abunda, “Liza ang hinangaan namin, hindi ikaw ‘yun? For the last 13 years, ang hinangaan naming, hindi si Liza ‘yon?”
Para sa host, sana naglakbay na lamang ang aktres sa kanyang karera nang may pasasalamat.
“Sana baon mo ang pagpapasalamat, sa lahat ng mga nangyari at sa lahat ng mga taong dumaan sa buhay mo at kasama mo because you are where you are today,” ani Abunda.
“Ang hinangaan namin was an excellent actor. ‘Wag mo isantabi. Do not disregard your past. Do not disregard the 13 years na minahal ka ng mga fans mo, and do not disregard the hard work that your managers put into who you are today,” payo ng TV host.
Kasalukuyan nang nasa ilalim ng management ni James Reid, dating Kapamilya actor, na mayroon nang sariling talent agency.
