By: Margaret Padilla

Ang gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee ay nagpapagaling ng maigi mula sa mga komplikasyon ng lymphoma at malapit nang makalabas ng ospital, ayon sa kanyang mga kasamahan sa banda.

Ayon sa isang balita ng Inquirer.net, si Chee Kee ay nasa positibong kalagayan matapos ilipat mula sa isang “progressive room” patungo sa isang regular na silid sa ospital kung saan siya na-admit.

Noong nakaraang Linggo, Pebrero 26, in-update ng banda ang kanilang Facebook page ng mga video at larawan ni Chee Kee.

“FACE REVEAL! Dahil sa tulong, dasal, at good vibes niyo, eto si Gab ngayon!” tulad ng nakasaad sa caption.

“God is indeed good!” ang pahayag sa post ng banda. “Excited parang bata, nag-gigitara habang papunta sa regular room! Konti na lang at makakalabas na rin siya ng hospital!” sabi pa ng caption. 

Ayon sa banda, tuwang-tuwa ang gitarista dahil inilipat na siya sa kanyang regular room! Isa-isa na ring tinatanggal ang mga tubo na nakakabit sa kanyang katawan.

“May cancer pa rin siya, so tuloy-tuloy pa rin ang laban para makasama na namin siya on the stage soon! Laban pa Gab! Kayang-kaya yan!” 

Bagama’t lalabas na ng ospital si Chee Kee, patuloy siyang tatanggap ng paggamot para sa lymphoma, isang uri ng kanser na umatake sa lymphatic system, ayon pa sa banda.

Leave a Reply