Share:

Naglabas ng guidelines ang COMELEC para sa filing ng certificate of candidacy ng mga kandidatong nagpaplanong tumakbo sa Halalan 2022.

Kahit na may pandemya, personal ang filing ng COC ngayong taon ayon sa COMELEC. Hindi nila papayagan ang online filing kaya mahigpit na ipatutupad ang health protocols. Kasama sa guidelines na dapat sumailalim sa RT-PCR o antigen test sa loob ng 24 oras ang mga kandidatong tatakbo sa posisyon na Presidente, Bise-Presidente, at Senador bago magpasa ng COC at CONA.

Magsisimula ang COC filing sa Oct. 1 to 8, 2021, kasama ang Sabado at Linggo, mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.

Leave a Reply