Ang tagapagsalita ng Commission on Elections (COMELEC) nitong Martes ay sinabing hindi siya sang-ayon sa posisyon ni Vice President Leni Robredo na pwedeng tanggapin ng mga botante ang inalok na pera ng mga pulitiko basta’t bumoto pa rin sila ayon sa kanilang konsensya.
Sa kanyang Twitter, hinayag ni Ginoong Jimenez ang kanyang pagkontra: “I disagree with the notion of taking the money and voting according to your conscience. Vote buying is an election offense regardless of financial situation or noble intentions. Di dapat ginagawa, at di dapat sina-suggest yan sa mga botante.”
Sa isang online forum nitong Martes, sinabi ni Robredo- na tumatakbo ngayon bilang pangulo- na ang publiko ay maaaring tanggapin ang pera mula sa mga pulitiko, ngunit bumoto ayon sa kanilang konsensya sa Halalan 2022.
“Mali iyong pagbili boto, pero iyong sinasabi ko sa tao, tanggapin n’yo. Parati kong sinasabi tanggapin n’yo kasi galing ‘yan sa atin. Iyong pinangbibili ng boto, pera rin ‘yan ng taongbayan,” ayon kay Robredo.
Dagdag pa niya, “Mali iyong pagbili boto, pero iyong sinasabi ko sa tao, tanggapin n’yo. Parati kong sinasabi tanggapin n’yo kasi galing ‘yan sa atin. Iyong pinangbibili ng boto, pera rin ‘yan ng taongbayan.” (By: Frances Pio)