By Frances Pio

––

Isang bomba ang sumabog sa garahe ng isang kumpanya ng bus sa Isabela City, Basilan bandang alas-6:15 ng gabi Lunes, mga 30 minuto matapos ang pagsabog sa harap ng gusali ng Jollibee, sinabi ni Task Force Basilan Commander Brig. Gen. Domingo Gobway.

“The first explosion in front of Jollibee was not [caused by] a bomb, but was a matter of faulty writing,” sinabi ni Gobway. Samantala, isang pagsabog ang nangyari habang ang mga imbestigador ay tinitignan ang unang insidente ng pagsabog.

Sinabi ni Gobway na isang kahon ang iniwan sa likod ng Bus No. 81 na kararating lang mula sa Lamitan City.

Si Christopher Pasaol, isang guwardiya ng garahe ng D-Biel Transportation Company sa kahabaan ng Valderosa Street sa Barangay La Piedad, ay nagsabi sa MindaNews na isang babaeng pasahero sa Lamitan ang humingi ng pahintulot sa konduktor ng bus na dalhin ang kahon sa Isabela City.

Pagdating sa garahe sa Isabela, sinabi ng guwardiya na humingi sa kanya ng pabor ang babaeng pasahero, na bantayan ang kahon, na nangakong kaagad na babalik ngunit hindi na bumalik. Sinuri ng guwardiya ang kahon na may tatak ng isang sikat na rhum, nakitang ito ay selyado nang mahigpit ng packing tape, na tumitimbang ng halos tatlong kilo.

Ibinalik niya ito sa parehong lugar at nag-asikaso sa iba pa niyang mga tungkulin ngunit makalipas ang halos isang minuto, sumabog ito at nasaktan ang 28-anyos na si Gudilla Francisco, isang storekeeper ng isa sa mga stall. Sinabi ng pulisya na dinala siya sa Basilan General Hospital para magamot.

Leave a Reply