Si Maria Victoria “Mags” Maglana ay nahaharap sa matinding laban sa karera para sa pagka-kongreso sa unang distrito ng Davao, kung saan makakalaban niya ang pinaka makapangyarihang pamilya hindi lamang sa Davao, kundi sa buong bansa.
Kalaban ng kilalang nongovernmental organization (NGO) worker na si Maglana si reelectionist Davao City 1st District Representative Paulo “Pulong” Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte. Isa rin siya sa mga deputy speaker sa House of Representatives.
“The die is cast. But, we are not only mounting a challenge. We have a vision and a compelling agenda, and we are aiming to win for the first district, for Davao, for good governance,” ayon kay Maglana. (By: Frances Pio)